Saturday, January 7, 2012

Oi, walang iyakan ah!


A Happy Photo of friends (kahit kulang), where everyone is smiling and just being crazy.... A photo of a person going away...not a dying friend but someone who's going away to another place...well obviously not heaven but to another country....

gawd i feel shitty when someone leaves, i guess di parin ako sanay...marami nang nagpaalam na sila'y aalis, pero bat ganun? ampupu lang ng pakiramdam na aalis ang kaibigan mo/ o ang mga kaibigan mo...

Di ako dapat malungkot dahil makakabuti yun sa kanya, pero siguro nakakalungkot lang isipin na kahit na may mga paraan kung san pwede mo pa syang makausap eh mamimiss mo yung mga pagkakataon na kayo'y nagkikita kita, nagaasaran at kantiyawan.... yung mga tipong kulang ang grupo dahil mawawalan ng isang taong maputi (ubod ng puti).... hindi ito permanente at alam kong babalik ka... pero sana malaman mo lang na kahit gano kalayo man ang puntahan mo siguradong may babalikan kang mga kaibigan dito, na mayayaya mong uminom ( ng kape man o beer) mga kaibigan na pwede mong laitin (joke, wag) (seryoso wag), mga kaibigan na magpapasaya sayo at magpapakabag sa tiyan mo kakatawa at mga kaibigan mo na dadamayan ka sa kahit anong problema.... Sats, walang paalam, alam naming babalik.... kaya cheers! ingat sa byahe!